Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Marso, 2023

Palaisipan sa numero

Imahe
PALAISIPAN SA NUMERO kaysarap sagutan ng Aritmetik at Sudoku subukan mo rin ang palaisipan sa numero eh, di ka naman nagbibilang ng poste o troso kundi ang utak mo'y iyo lang ineehersisyo sa Aritmetik, apat na kahon lang ang sagutan sa dalawang gitnang kahon, dalawang integer lang sa unang kahon ay produkto ng dalawang iyan sa ikaapat na kahon ay sumatotal naman sa Sudoku ay may padron, walumpu't isang kahon isa hanggang siyam na numero'y ilagay doon numero'y h'wag ulitin, pababa't pahalang iyon gayon din ang gagawin sa blokeng tatluhang kahon pinakapahinga ko na sa maraming gawain dama'y pampagaan sa mabibigat na tungkulin paglipat ng pokus mula sa tambak na sulatin minsan nga, sa gabi'y makakatulugan mo na rin lohika lang ang paganahin at sadyang kaysaya sa ilang saglit lang ay malulutas mong talaga subukan mo rin, ehersisyong kaiga-igaya para kang nag-aayos ng samutsaring problema - gregoriovbituinjr. 03.31.2023

Maling tanong, kaya walang tamang sagot

Imahe
MALING TANONG, KAYA WALANG TAMANG SAGOT Maikling sanaysay at tula ni Gregorio V. Bituin Jr. Sa nakaraang palaisipang Aritmetik, petsang Marso 18, 2023, Sabado, pahina 7, sa pahayagang Pang-Masa, nahirapan akong sagutin ang isang katanungan, na sa kalaunan ay wala palang kasagutan. Sa palaisipang Aritmetik, may apat na kahon sa tatlong linya, kung saan ang ikalawa at ikatlong kahon ay magkadikit. Doon ilalagay ang dalawang integer, mga factor (multiplier times multiplicand) at ang dalawang addends, kung saan ang unang kahon ay product, at sa ikaapat na kahon ay sum o total ng nasabing ikalawa at ikatlong kahon. Madaling masagot ang una, ikalima at ikawalo, dahil idi-divide lang o ima-minus ang isang integer ay masasagutan mo na nang walang gamit na calculator, kundi sa isip lang. Subalit sa ayos ng ikalawa, ikatlo, ikaapat, ikaanim at ikapitong puzzle, kailangan talaga ng matamang pag-iisip upang makuha mo ang tamang factor o addends. Halimbawa, sa ikatlo at ikaapat ay parehong 17 ang s

Paano binibilang ang araw sa nakatakdang petsa?

Imahe
PAANO BINIBILANG ANG ARAW SA NAKATAKDANG PETSA? Munting pagninilay ni Gregorio V. Bituin Jr. Siyam na araw ang  Alay-Lakad Laban sa Kaliwa Dam , mula Pebrero 15-23, 2023. Iyan ang nakasulat sa mga press release at tarpouline. Sumama ako sa mahabang lakad na iyon mula General Nakar hanggang MalacaƱang, hanggang mag-uwian mula sa tinuluyan sa Paco noong Pebrero 24. Nang nasa tinuluyang covered court na kami sa Antipolo, nakita kong may inilabas ang ilang support group na tarpouline hinggil sa nasabing alay-lakad na ang petsa ay Pebrero 15-24, 2023. Marahil, tulad ko, ay may magtatanong, bakit iba ang petsa nila? May ilang sumagi sa aking isipan. Baka dahil siyam na araw ang lakad na nagsimula ng Pebrero 15, idinagdag nila sa petsa 15 ang numero nuwebe, kaya 15 + 9 = 24. Kaya akala nila at pinagawa sa tarp ay Pebrero 15-24, 2023. Lumalabas na sampung araw ang lakaran. Marahil naisip nilang di pa naman tapos sa Pebrero 23 ang Alay-Lakad dahil tumuloy pa kami sa Paco Catholic School hanggan

Nakalilibang na palaisipang aritmetik

Imahe
NAKALILIBANG NA PALAISIPANG ARITMETIK Maikling sanaysay at tula ni Gregorio V. Bituin Jr. Maliban sa dalawang Tagalog krosword, sudoku at hanap-salita, isa sa kinagigiliwan ko at unang sinasagutan sa pahayagang Pang-Masa ay ang palaisipang Aritmetik kaya lagi akong bumibili nito. Hindi mo na kailangan ng calculator lalo't unawa mo at sinunod lang ang panuntunan o instruction paano sagutin ito: 1. Isulat ang product sa unang box. 2. Ano ang factors ng product sa itaas ng kahon? Ito rin ay dapat sum o total ng box sa ibaba. 3. Isulat ang sum o total sa huling box. Nais ko pang i-edit ito sa ganito: Isulat ang dalawang numero sa dalawang gitnang kahon na tutugma bilang product sa itaas na box, at tutugma rin bilang sum o total nito sa ikaapat o nasa ilalim na box. Sa tatlong magkakaparehong litratong naririto, na una'y wala pang sagot, ang ikalawa'y sinagutan ko muna ang mga madadali, at ikatlo'y buo na ang walong palaisipan. Ang una, ikatlo, ikaanim at ikawalo ang anyong