Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Mayo, 2023

Alin ang mas mahal?

Imahe
ALIN ANG MAS MAHAL? alin ang mas mahal dito sa dalawa? dami ba o bigat ang mas mahalaga? itong kapeng 4-in-1 na 15 grams ba? o ang kapeng 3-in-1 na 20 grams na? mabigat na timbang o maraming laman? binili ni misis, presyo'y di ko alam 20 grams ba na limang gramo ang lamang? o ang 4-in-1 na mas lamang sa bilang? ang 4-in-1, apat na klase ang meron ngunit magaan kaya mas mura iyon ang 3-in-1 ay tatlong klase man yaon ay mas mabigat kaya mas mahal iyon iyan ay teorya ko lang, di pa presyo mabigat na timbang ang mas mahal dito kung masasabi ni misis kung magkano saka sabihing teorya ko'y totoo buting ito'y batid upang sa susunod ay alam na ang bibilhin pag sumahod ang pag-usapan ito'y nakalulugod lalo sa obrerong madalas ang kayod - gregoriovbituinjr. 05.11.2023