Mga Post

Tula sa sipnayan: Si Archimedes, ang sipnayanon

Imahe
Tula sa sipnayan SI ARCHIMEDES, ANG SIPNAYANON "Bunying Archimedes, / tuklasin mo kaya,  Kung korona'y gintong / lantay, purong gawa..." Nag-utos ay hari, / "... o huwad bang sadya? At si Archimedes, / animo'y nabigla. Habang nag-iisip, / sa banyo nagtungo. Kaybanas, naghubad / siya't maliligo. Lulutasin iyon, / siya'y di susuko Upang di mawala / ang respeto't luho. Sa may paliguan, / naglublob, nagbanlaw; Umapaw ang tubig, / dama ang paggalaw! Aba'y bigla na lang / solusyo'y lumitaw, Ang kanyang nasuri / sa diwa’y natanaw. Sigaw ay "Eureka!" / (Natuklasan ko na!) Sa labis na tuwa'y / tumakbo sa kalsada; Kahit hubo't hubad / ay walang paki na, Dahil nalutas din / ang kanyang problema. Ang natapong tubig / doon sa batalan Ay katumbas niyong / lubog ng katawan Bigat ng korona / nang sinukat naman Ay di purong ginto, / kanyang natuklasan. Ay, si Archimedes / ay di rin kinapos. Talagang kaygaling, / henyo siyang lubos. Si Haring...

Maligayang Pi Day sa lahat!

Imahe
MALIGAYANG PI DAY SA LAHAT! ‎ ‎sa matematika,  3.14  ang numerong  Pi ‎dahil diyan, ginawang  Pi Day  ang  Marso Katorse ‎mula sa rasyo ng kumperensya ng bilog ang Pi ‎sa diyametro nito, ating suriing mabuti ‎ ‎sukat ng bilog,  three point fourteen  ang kinalabasan ‎di eksakto, tuloy-tuloy at  infinite  ang bilang ‎mahalaga ito sa mahihilig sa sipnayan ‎na magagamit sa pang-araw-araw na kabuhayan kamatayan ni  Karl Marx  at kaarawan ni  Einstein ngayon ay  International Day of Mathematics  din na tema ngayo'y  "Mathematics and Hope" , dinggin natin mga aral ng sipnayan ay ating sariwain sa mga  sipnayanon o mathematician , tunay akong nagpupugay sa inyo! mabuhay! mabuhay! maligayang  Pi Day , maglabas ng pie o tinapay at ipagdiwang ang kahulugan ng  Pi  sa buhay! - gregoriovbituinjr. 03.14.2026 * litrato mula sa google

Pariugat

Imahe
PARIUGAT may wikang Filipino pala sa  square root PARIUGAT , aba'y anong kanyang minulan na talagang sa ulo ako'y napakamot parisukat plus ugat equals pariugat pag  square , imu- multiply  mo ang numero sa sarili nito, habang  square root  naman ay pag na- divide  ang numero sa sarili nito, na madali namang maunawaan suriin mo, ang square ng eight ay sixty-four habang  pariugat  naman ng sixteen ay four ang square ng numero pito ay forty nine habang ang  pariugat  ng eighty-one ay nine pariugat  - likhang salita sa  sipnayan na kung tutuusin, malaking tulong naman lalo na sa  sugkisan  at  palatangkasan pati sa  bilnuran ,  tayahan ,  tatsihaan - gregoriovbituinjr. 02.04.2026 sipnayan - mathematics sukgisan – geometry palatangkasan – set algebra bilnuran – arithmetic tayahan – calculus tatsihaan – trigonometry * PARIUGAT mula sa  https://www.scribd.com/doc/194410375/Mga-Salita-Sa-Agham-at-Sipn...

Bansa ng 7,641 kapuluan

Imahe
BANSA NG 7,641 KAPULUAN mula pitong libo, isang daan at pitong isla ang kapuluan sa ating bansa'y nadagdagan pa pitong libo, animnaraan, apatnapu't isa ayon sa bagong datos na nakalap ng NAMRIA si Charlene Gonzales ay agad naalala natin noong sa Miss Universe pageant siya ay tanungin Ilan ang isla sa Pilipinas, na sinagot din ng tanong,  "High tide or low tide? " ang sagot ba'y kaygaling? dagdag na limang daan, tatlumpu't apat na pulô kapag taog ba o high tide ay agad naglalahò? buti't mga bagong isla'y natukoy, naiturò ng  NAMRIA , bilang ng mga pulô na'y nabuô limang daan tatlumpu't apat na pulo'y nasaan? sa satellite images doon natin malalaman nais kong marating ang mga bagong islang iyan upang sa sanaysay, kwento't tula'y mailarawan - gregoriovbituinjr. 09.01.2025 * ulat at litrato mula sa kawing na:  https://www.facebook.com/share/1FrewfMduj/   * NAMRIA - National Mapping and Resource Information Authority, sentrong ahensya sa...

PULGADA (one inch) AY DI YARDA (36 inches)

Imahe
PULGADA (one inch) AY DI YARDA (36 inches) Pababa Dalawampu't Isa ang tanong doon ay Pulgada sa Ingles nga ay one inch siya bakit naging sagot ay YARDA para bagang di na nasuri tila krosword ay minadali pagkat pulgada't yarda'y hindi magkasingkahulugan, mali di ba nakita ng patnugot ang nasabing mali sa krosword ganyan nga'y di kalugod-lugod tila wika'y napipilantod ay, Buwan ng Wika pa ngayon ganyang krosword ang nasalubong parang textbook, may mali roon na dapat ngang iwasto iyon nawa'y di na mangyari ulit tamang kahulugan ang hirit nawa ito'y di ipagkait sa'ming nagko-krosword malimit - gregoriovbituinjr. 08.12.2025 * palaisipan mula sa pahayagang Pang-Masa, Agosto 11, 2025, pahina 7

Iskor sa pagsusulit: 7/50

Imahe
ISKOR SA PAGSUSULIT: 7/50 nakita ko lang sa pesbuk sipnayan ang paksa nito pagsusulit o pagsubok paano gawan ng grado upang di naman magdamdam ang lagpak na estudyante iniskwerut ang iskoran at baka raw makabuti ang iskor sa biglang tingin mataas, isa lang mali ngunit iskor, bagsak man din na wala sa kalahati damdamin ng mag-aaral ay isinaalang-alang ganyang guro'y magtatagal inpirasyon ang nilinang iskwerut ang pagiiskor na ginawa nitong guro sa mag-aaral ay motor nang magsikap at lumago - gregoriovbituinjr. 08.06.2025 * sipnayan - kahulugan ay matematika * litrato mula sa pesbuk

ENIAC

Imahe
ENIAC anim na kababaihan pala ang unang programmer ng  ENIAC na sa historya'y unang computer o ang  Electronic Numerical Integrator and Computer  noong pangalawang daigdigang digma: sina  Jean Bartik, Betty Holberton, sina  Kay McNulty, Marlyn Meltzer, Frances Spence at Ruth Teitelbaum mga human computer na noon na nagdisenyo ng algorithm  na nagtatag ng modern programming  pati na flow chart at modern system mga kababaihang kaygaling tara, sila'y ating kilalanin - gregoriovbituinjr. 07.25.2025 * ulat mula sa kawing na:  https://www.eniac.vc/writings/remembering-the-eniac-six