Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Marso, 2022

Salin at sipnayan

Imahe
SALIN AT SIPNAYAN ang matematika ay sipnayan ang geometry naman ay sukgisan set algebra ay palatangkasan habang algebra ay panandaan arithmetic naman ay bilnuran habang ang calculus ay tayahan istatistika'y palautatan trigonometriya'y tatsihaan ang pisika pala ay liknayan habang ang chemistry ay kapnayan ang hydraulics ay danumsigwasan pneumatics ay buhagsigwasan salin ng integral ay laumin differential naman ay tingirin qualitative chemistry'y uriin quantitative chemistry'y sukatin ang isakay pala'y monomial duhakay naman ay binomial habang talukay ay trinomial damikay naman ay polynomial ang sampung sanlibo ay sanlaksa ang sampung sanlaksa ay sangyuta ang sangmilyon ay sang-angaw sadya sampung milyon ay sangkati na nga sangbahala ang sandaang milyon sanggatos naman ang isang bilyon sang-ipaw naman ang isang trilyon halina't aralin ito ngayon pagsasalin ng numero't paksa sa wikang Filipino, pambansa aralin ng tulad kong makata nang magamit sa bawat pagtula

Sa ikatlong Mathematics Day

Imahe
SA IKATLONG MATHEMATICS DAY three point one four one five nine two seven pa'y kabisado subalit ito'y three point one four lang pag ni-round off mo three point one four, parang ikalabing-apat ng Marso na pinagbatayan ng  Mathematics   Day  na ito Maligayang  Mathematics   Day  po sa inyong lahat halina't magbilang, isa, dalawa, tatlo, apat lima, sampu, isang angaw, bilang na di masukat mabuti't may ganitong araw, nakapagmumulat "Mathematics   is   Everywhere",  tema sa unang taon "Mathematics for a Better World",  ikalawang taon "Mathematics Unite"  naman ang tema ngayong taon mapanuri, matatalas, tila tayo'y aahon bahagi ang numero sa ekonomya ng bansa upang daigdig ay mapaunlad ng manggagawa sukat na sukat ang tulay at gusaling nalikha pati ba pagsasamantala'y nasukat ding sadya pagbibilang ay bahagi na ng buhay na iwi matematika'y nabubuhay upang manatili ang daigdig, o marahil kakamtin din ang mithi kung paano masukat ang guw

Ang nobelang "The Solitude of Prime Numbers" ni Paolo Giordano

Imahe
ANG NOBELANG "THE SOLITUDE OF PRIME NUMBERS" NI PAOLO GIORDANO Maikling sanaysay ni Gregorio V. Bituin Jr. Sa katulad kong nag-aral noon ng BS Mathematics, subalit hindi natapos dahil agad nag-pultaym sa kilusang mapagpalaya, agad akong naakit sa pamagat pa lang ng isang nobelang nabili ko -  The Solitude of Prime Numbers , ng Italyanong manunulat na si Paolo Giordano. Binili ko agad ang aklat, bagamat may pilas ng kaunti ang pabalat, dahil na rin sa pagpapakilala ng aklat kung sino ba si Paolo Giordano. Umaabot iyon ng kabuuang 288 pahina, at nabili sa halagang P125.00 kanina sa BookSale ng SM Megamall.  Nakakaakit ang paglalarawan sa likurang pabalat ng aklat,  "This brilliantly conceived and elegantly written debut novel by the youngest winner ever of the prestigious Premio Strega award has sold more than one million copies in Italy." At sa ikatlong pahina ng aklat ay ipinakilala naman ang may-akda sa ganito:  "Paolo Giordano is the youngest ever winner of I