Ang Matematika ng 50% + 1
ANG MATEMATIKA NG 50% + 1 ni Gregorio V. Bituin Jr. Ano ang simple majority pag odd number, halimbawa, ng 15, kung ang kahulugan ng simple majority ay 50% + 1? Ang sagot ko ay 9, habang ang sagot ng iba ay 8. Alin ang mas tama sa aming dalawa? Mahalagang malaman at maunawaan natin kung paano ba natin tinutukoy ang simple majority, lalo na sa maraming mga organisasyong nangangailangan ng pagdedesisyon sa isa o maraming usapin. Karamihan ng mga Konstitusyon ng samahan ay isinasaad na ang simple majority ay dapat 50% + 1, at hindi lang simpleng lagpas sa 50%. Marami ang nagkakamali ng sagot dahil mas napagtutuunan nila ang 50% lamang at kadalasang nakakaligtaan ang 1 bilang whole number. Kaya pansinin natin lagi ang numerong 1, at hindi lang yung 50%, dahil hindi pwede ang 50% + 0.5, o 50% + 0.6 bilang mayorya, kundi 50% + 1. Ibig sabihin, dapat na tama ang kompyutasyon natin, dahil tinukoy mismo na ang mayorya ay 50% + 1, at hindi simpleng lagpas lang sa 50%. Halimbaw