Sukli'y Kulang ng Sampung Piso
SUKLI'Y KULANG NG SAMPUNG PISO
ni Gregorio V. Bituin Jr.
Minsan, walo kaming magkakasamang galing sa isang aktibidad ang sumakay ng dyip. Minimum lang ang pamasahe, P7.00 hanggang sa aming pupuntahan. Nagbayad ang kasama ko ng P70.00 para sa aming walo. Sinuklian naman agad kami ng tsuper ng halagang P4.00.
Aba'y agad umangal ang aking kasama, at sinabing kulang ng sampung piso ang sukli. Sinabi rin agad niyang "P7 x 8 katao equals 56. Kaya P70 minus P56 ay P14, kaya po kulang ng sampung piso ang sukli nyo.
Agad namang ibinigay ng tsuper ang P10 nang wala nang tanung-tanong. Marahil alam ng tsuper na nagkamali nga siya. O kaya naman ay maaaring sinadya niya ang gayon sa pag-aakalang makakaisa siya. Napakawalang konsensya naman niya kung gagawin ang gayon, ngunit maraming tao na kinakain na lang ang konsensya at ikinakatwirang mahirap kasi ang buhay.
Marahil kung hindi nagkompyut ang aking kasama, nalagasan na agad siya ng P10. Marahil matataranta siya pag gumawa siya ng finance report at may nawawala palang P10 ay abonado pa siya.
Siya pa lang iyon, ha? Paano kaya kung ganito rin ang ginagawa ng tsuper sa ibang pasahero? Aba'y malaki tiyak ang kita ng tsuper na iyon. Buti na lang, sampung piso lang iyon. Paano kaya kung malakihan na? Paano kaya kung milyones na ang usapan? Aba'y tiyak na ang corruption. At biglang yaman din tiyak yaong nangupit sa suklian.
Kaya napakahalaga talaga ng may kaalaman sa mga batayang aralin sa matematika. Elementarya pa lang ay tinuruan na tayo ng addition, subtraction, multiplication at division. Ito pala'y di lang pang-eskwela, kundi para sa pang-araw-araw na buhay.
Kahit sa pagbili ng anuman sa sari-sari store, napakahalaga ng may kaalaman sa matematika dahil sa usapin ng pagbabayad at pagsusukli.

Mga Komento
Mag-post ng isang Komento