Sukli'y Kulang ng Sampung Piso
SUKLI'Y KULANG NG SAMPUNG PISO ni Gregorio V. Bituin Jr. Minsan, walo kaming magkakasamang galing sa isang aktibidad ang sumakay ng dyip. Minimum lang ang pamasahe, P7.00 hanggang sa aming pupuntahan. Nagbayad ang kasama ko ng P70.00 para sa aming walo. Sinuklian naman agad kami ng tsuper ng halagang P4.00. Aba'y agad umangal ang aking kasama, at sinabing kulang ng sampung piso ang sukli. Sinabi rin agad niyang "P7 x 8 katao equals 56. Kaya P70 minus P56 ay P14, kaya po kulang ng sampung piso ang sukli nyo. Agad namang ibinigay ng tsuper ang P10 nang wala nang tanung-tanong. Marahil alam ng tsuper na nagkamali nga siya. O kaya naman ay maaaring sinadya niya ang gayon sa pag-aakalang makakaisa siya. Napakawalang konsensya naman niya kung gagawin ang gayon, ngunit maraming tao na kinakain na lang ang konsensya at ikinakatwirang mahirap kasi ang buhay. Marahil kung hindi nagkompyut ang aking kasama, nalagasan na agad siya ng P10. Marahil matataranta siya pag gumawa s