Mga Post

Ang pagsukat sa bilog

Imahe
Pi = 3.14159268... sa ating paligid ay payak na sukat ang bilog na sa palibot ay mapapansing pantay ang hubog iba sa obalong pahaba, kaygandang anyubog kaylaki nang tulong tulad ng gulong sa pag-inog ang pagsukat ba ng bilog na iyan ay paano ang radyus at diyametro nito'y masusukat mo ang haba sa pagitan ng bilog ay diyametro tinatawag namang radyus ay kalahati nito sukat ng palibot ng bilog ay sirkumperensya ang pi ay griyegong titik na sukat na pormula halimbawa'y sa bilog susukatin mo ang erya pi tayms radyus iskwer, pormula'y kabisaduhin na ito'y iyong matatagpuan sa paksang dyometri at pag-aralan mo rin ano ang trigonometri mga paksang nagsusukat kaya dulo'y may metri aralin lalo't kukuha ng indyinering dini pag-aralan mo muna ang pangunahing batayan bago mga abanteng paksa'y iyong mapuntahan marami pa akong gagawing tulang pangsipnayan ngunit dapat pang magsaliksik ang makatang turan - gregoriovbituinjr.

Paglalaro ng math games sa selpon

Imahe
madalas, kaysarap maglaro ng math games sa selpon lalo na't napagod sa ginawa buong maghapon pahinga'y maglaro nito kaysa paglilimayon nahasa ang utak, baka humusay pa paglaon larong nagagamit ang kaalaman sa aldyebra o dyometriya, mga sangay ng matematika lalo na't mga numero'y lagi nating kasama baka matuto ka pa ng samutsaring pormula mayroong pabilisan ng adisyon at subtraksyon may patalasan sa multiplikasyon at dibisyon pormulang M.D.A.S. ay masusubok mo doon sa mundo ng sipnayan ay tila ka naglimayon sinong maysabing matematika'y nakakatakot kung sa math games sa selpon ay natutong pumalaot madali mo pang mabura't maiwasto ang sagot ang saya-saya na, laro pa'y di nakakabagot - gregoriovbituinjr.

Suportahan ang ating mga pambato sa Math Olympiad 2020

Imahe
"Kaya n'yo iyan!" Ito ang sigaw naming narito sa ating mga magagaling na matematiko na muli pong lalaban sa Math Olympiad sa mundo nariritong sumusuporta sa ating pambato dapat daw gagawin ito ngayong taon sa Rusya subalit di na iyon tuloy dahil sa pandemya kundi gagawin na ang paligsahan sa online na  sadyang patalasan ng ulo sa matematika labanan ng estudyante sa hayskul ang Olympiad sa matematika't sana sila'y maging mapalad anim na estudyanteng kaybabata pa ng edad kinatawan ng Pilipinas, medalya ang hangad nakaraang taon, anim na medalya'y sinungkit sa United Kingdom ng mga Pinoy na nagsulit at ngayong taon, "Kaya n'yo iyan!" ang aming sambit  sana'y anim na medalyang ginto'y inyong makamit - gregoriovbituinjr * Pinaghalawan: LOOK: Young Pinoys Mathemagicians To Join First-Ever Online Int’l Math Olympiad In 2020 https://www.flipscience.ph/news/pinoy-2020-imo-math-olympiad/ PHL to compete in first online International Math Olympiad ht...

Ang dalawang Euclid sa kasaysayan

may dalawang Euclid ang nabasa ko sa historya tagasunod ni Socrates si Euclid ng Megara at ang kilala kong si Euclid ng Alexandria dahil sa kanyang gawa't ambag sa geometriya akda ng taga-Megara'y anim na diyalogo ang Lamprias, ang Aeschines, ang Phoenix, ang Crito,  ang Alcibiades, at pang-anim, ang Amatoryo,  datapwat, ah, wala nang natira sa mga ito may Elements namang inakda ang isa pang Euclid ang number theory't perfect numbers nga'y kanyang hatid ang Euclidean geometry't algorithm ay nabatid pati ang kanyang Fragments ay di sa atin nalingid si Euclid ng Alexandria'y una kong natunghayan ang geometriya niya'y paksang pinag-aralan kaya matematika'y kinuha sa pamantasan at kanyang mga akda'y sadya kong kinagiliwan oo, aaralin ko ang kanilang mga akda upang sunod na henerasyon sila'y maunawa bakasakaling mga akda nila'y maitula at aklat hinggil sa kanila'y balak kong magawa - gregoriovbituinjr.

Larong numero palito

Imahe
nag-download ako sa selpon ng laro sa numero ang isang nakita ko'y parang larong Pilipino na ginagamit ay mga palito ng posporo nakaayos na palito'y tanong na iwawasto ikakamada muna yaong palito sa lupa pagmasdan mo't may tanong doon, suriin mong kusa isang palito lang ang iurong upang tumama dito sa selpon ay numero naman ang ginawa tulad naman sa calculator ang numero doon gayon ding panuntunan, isang guhit ang iurong upang maitama mo ang mga maling ekwasyon gamit ang iyong lohika, adisyon at subtraksyon tara, isip-isip, bawat ekwasyon ay titigan suriin mong mabuti't iyo ring masasagutan i-download ang Math Games sa selpon at masisiyahan pampatalas na ng isip, maganda pang libangan - gregbituinjr.

Pagbabalik-aral sa sipnayan

panahon ng pagbabalik-aral ang kwarantina ito ang aking napagtanto habang binabasa ang talambuhay ni Euclid mula Alexandria at ni Archimedes na bumulalas ng "Eureka!" dalawang matematisyang parehong mga bantog na nag-ambag sa sipnayan, sa mundo'y inihandog ang mga akda nila'y balak kong isa-Tagalog upang mga iyon sa bayan ko'y pumaimbulog geometriya'y paksang pamana nila sa atin na pinaunlad pa nila upang magamit natin kanilang akda'y di naman mahirap unawain baka mas mapadali pa pag aking naisalin isasalaysay kong patula ang kanilang gawa na nais kong iambag sa panitikang pambansa sunod ay si Pythagoras na isa ring dakila na akda't buhay niya'y tutulain ko ring kusa - gregbituinjr.

Naabot din ang 1,000 sudoku

Imahe
Naabot ko rin ang 1,000 sudoku games na na-download ko mula sa internet. Bukod sa math games ay sudoku ang aking palipasang oras pag di nagsusulat. Dahil nakasanlibong nasagutang sudoku, napatula ako: NAABOT DIN ANG SANLIBONG SUDOKU isang libong sudoku na rin ang aking naabot na kinagiliwang laro sa selpon at nasagot di lang pulos numero kundi lohika ang dulot kaysarap nitong laruin at di ka mababagot may arawan, bawat petsa, ang aking nasagutan daily sudoku na umabot higit walong daan maaaring pumili ng lebel na pahirapan custom sudoku, na umabot higit isang daan noon, binibili ko'y mga libretong sudoku may manipis, may makapal na akala mo'y libro maraming perang ginugol, makabili lang nito dahil sa lockdown, sa internet na'y nag-download ako bukod sa pagsulat, pagtanim, at gawaing bahay bukod sa pagbabasa ng anuman, pagninilay ang pagsagot ng sudoku ang nilalarong husay kaya ang sanlibong sudoku'y ganap nang tagumpay - gregbituinjr. 08.23.2020