Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Hunyo, 2025

Sa ika-60ng araw namin sa ospital

SA IKA-60ng ARAW NAMIN SA OSPITAL Karaniwan ang ikalawang buwan ay itinatapat natin sa petsa ng araw. Tulad nito, Abril 3 kami ni misis nagtungo sa ospital at naadmit siya roon dahil sa stroke. Sa Hunyo 3 ang ikalawang buwan namin sa ospital. Subalit kung bibilangin sa daliri, ang Hunyo 3 ay ika-62 araw. Kailan, kung gayon, ang ika-60ng araw, kung ang bawat buwan ay binibilang ng 30 araw, na tila tulad sa bilang ng araw sa pasahod? Bagamat batid nating sa isang taon, pag di leap year, pitong buwan ang may 31 araw, apat na buwan ang may 30 araw, at ang Pebrero ay 28 araw. Kung ika-62 araw ang Hunyo 3 minus 2, Hunyo 1 ang ika-60ng araw.  Ginawan ko ng pormula ang bilang ng araw sa Abril. Kasama sa bilang ang Abril 3, kaya hindi Abril 30 minus Abril 3 ang pagbibilang. Kundi dapat Abril 30 minus Abril 2. Subalit hindi kaagad natin maiisip ito kung hindi natin titiyakin sa pagbilang sa daliri. Kaya ginawan ko ito ng pormula na madaling matandaan. Ito ang pormula: (x - y) + 1 = n Given: ...