Ang matematika ay sipnayan

ANG MATEMATIKA AY SIPNAYAN matematika pala'y sipnayan habang aritmetika'y bilnuran trigonometry ay tatsihaan habang geometry ay sukgisan statistics ay palautatan iyang algebra ay panandaan set algebra ay palatangkasan habang ang calculus ay tayahan fraction naman ay bahagimbilang ang salin ng physics ay liknayan ang chemistry naman ay kapnayan habang biology ay haynayan nang mga ito'y aking malaman ay agad kong napagpasiyahan pagsasalin ay paghuhusayan upang magamit sa panulaan - gregoriovbituinjr. 01.03.2025 * ilan sa mga salitang ito'y mula sa https://www.scribd.com/doc/194410375/Mga-Salita-Sa-Agham-at-Sipnayan-sa-Filipino-Words-in-Mathematics-and-Science-in-Filipino