17 medalya sa Math, nakamit ng Pilipinas
17 MEDALYA SA MATH, NAKAMIT NG PILIPINAS mga estudyanteng Pilipino'y nagtagumpay doon sa India International Mathematics Competition na yaong nagpaligsahan ay nasa tatlumpung nasyon na mga lumahok ay animnaraang sipnayanon tatlong silver, pitong bronze at pitong merit medal pala ang natamo mula sa talino't pagsisikap nila kahit walang dalawang ginto tulad ni Yulo sila mga estudyanteng math genius ay petmalu talaga may medalyang pilak ay tatlong Tsinoy ang apelyido tatlong Kastilaloy, dalawang Tsinoy sa tanso mismo sa merit, dalawang Kastilaloy, limang Tsinoy dito aba, sa kanila'y walang katutubong Pilipino mahihina ba ang mga katutubong Pinoy sa math o di lamang sila nabibigyan ng oportunidad panahon naman ngayong sa kanila tayo'y mamulat at sa math, katutubong Pinoy ay dapat mapaunlad sa mga nagkamit ng medalya, O, mabuhay kayo! bagamat di man taal na katutubong Pilipino mataas na pagpupugay itong paabot sa inyo! salamat, bansang Pilipinas ay kinatawan ninyo! - gregori