Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Hunyo, 2024

20,322 - 11,103 = 9,219

Imahe
20,322 - 11,103 = 9,219 dalawampung libo, tatlong daan, dalawampu't dalawa sa unang labimpitong buwan lang, bilang ng napaslang na adik, ayon kay Chel Diokno, sa Kongreso'y sinabi niya panahon ni Digong ay madugong panahon ng hustisya halos apat na libo sa operasyon ng kapulisan higit labing-anim na libo'y riding-in-tandem dawnaman di pa kasama ang natirang apatnapu't tatlong buwan ng rehimen, baka pag sinama'y lumaki pa ang bilang ah, sinong mananagot sa mga pagkamatay na ito? lahat ba sila'y nanlaban kaya pinaslang ng berdugo? ikumpara mo: labing-isang libo, sandaan at tatlo halos kalahati ang bilang ng biktima ng martial law tingnan ang katwiran nila, na dapat lang nating malirip dahil adik, wala sa katinuan, baka ka mahagip gumagawa ng masama, dahil di matino ang isip dapat unahan upang sa krimen nila tayo'y masagip maganda ang intensyon, subalit mali ang pamamaraan kayraming inang nawalan ng anak, hingi'y katarungan hustisya kaya'y makakamit ng