Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Mayo, 2024

Ang sipnayanon

Imahe
ANG SIPNAYANON It is impossible to be a mathematician without being a poet in soul. ~ Sophia Kovalevskaya imposible raw maging sipnayanon pag di ka isang makata sa diwa kaylalim ng pananalitang iyon pag sipnayanon ka'y nagmamakata iyang sipnayan o matematika ay para ring tulang may tugma't sukat batid mo ano ang geometriya at trigonometriya ng pagsulat kung maging sipnayanon ang nais mo pagkamakata mo'y di maglalaho lalo't batid ang padron ng numero sipnayan sa diwa, tula sa puso mabuhay ka, sipnayanon, mabuhay! makata kang wala sa toreng garing sa sipnayan ikaw magpakahusay at sa pananaludtod ay titining - gregoriovbituinjr. 05.28.2024 * sipnayanon - mathematician;  sipnayan - mathematics

Sudoku - larong palatambilang

Imahe
SUDOKU - LARONG PALATAMBILANG ang palatambilang ay larong diwa na sa ating utak ay naghahasa tulad ng sudokung nakatutuwa sapagkat ito'y nagbibigay sigla sa bawat larong diwa tulad nito ay pinag-iisip talaga tayo ilalagay mo ang wastong numero sa isang linyang walang kapareho ang bilang isa hanggang bilang siyam pahalang, pababa, o pahilis man at tatlo-tatlong bloke ng tambilang ay ilagay sa tamang kalalagyan pag in-add ang munero bawat linya sumatotal ay apatnapu't lima pag may parehong numero sa linya ayusin mo pagkat iya'y mali na sa ganitong larong diwa, salamat at isipan ay di pinupulikat sapagkat naeehersisyong sukat lalo't nabuo't nasagutang lahat - gregoriovbituinjr. 05.26.2024

Palatambilang

Imahe
PALATAMBILANG palaisipan sa numero o palatambilang  ang sa pahayagan ay lagi kong inaabangan na bukod sa krosword, palatambilang ang libangan tulad ng sudoku't aeitmerik na kainaman umaga'y bibili agad ng diyaryo sa kanto bago pa basahin ang tampok na ulat at isyu kasabay ng pandesal sasagutin muna ito: hanap-salita, krosword, aritmetik at sudoku sa kabila ng social media, uso pa rin dine  ang pamamayagpag ng diyaryo kong nabibili tulad ng Pang-Masa, Bandera, Abante, Remate na tinatawag minsang "literature in a hurry" salamat sa palatambilang na may laang sigla na tila arawang ehersisyo sa ating diwa - gregoriovbituinjr. 05.12.2024