Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Disyembre, 2023

Likis - pagsukat ng sirkumperensya

Imahe
LIKIS - PAGSUKAT NG SIRKUMPERENSYA naintriga ako sa tanong sa palaisipan "pagsukat ng sirkumperensya",  anong katugunan di nagsirit, sinagot muna'y pababa't pahalang hanggang lokal na salitang  LIKIS  ang natagpuan LIKIS  ang tawag sa pagsukat ng sirkumperensya sirkumperensya nama'y  LIKOS  sa Waray talaga LIKIS  ang pagsukat ng  LIKOS , mapapatango ka sa palaisipan nati'y nahahasa tuwina sa geometriya, ang  LIKOS  ang sukat ng bilog pag binuksan at inunat, itinuwid ang hubog o yaong perimetro, haba ng arko ng bilog LIKIS  at  LIKOS , nalito ba't salita'y kaytayog? LIKIS  at  LIKOS  ay likas pala nating salita salamat at natagpuan din ang ganyang kataga na magagamit sa sipnayan, liknayan, pagtula lalo na sa pagtataguyod ng sariling wika - gregoriovbituinjr. 12.14.2023 * mula sa Krosword Puzzle Aklat 2, Tanong 8 Pababa, pahina 56 * mula sa UP Diksiyonaryong Filipino, pahina 698 * sipnayan - math; liknayan - physics