Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Abril, 2023

Pi

Imahe
PI numero iyong agad nakita at PI ang sagot ko kapagdaka na numerong pamilyar talaga dahil mula sa matematika PI ang rata ng sirkumperensya ng bilog sa diyametro niya ang PI ay kilala nang pormula sa matematika at pisika PI ay mula sa letrang Griyego titik P ang kahulugan nito ginamit dahil sa Perimetro ng bilog, mabuti't nabatid ko ang nagkalkula'y si Archimedes isip ay magaling at makinis si William Jones naman ang nagbihis nitong PI sa makabagong tesis nang sa krosword ito'y madalumat ay PI ang agad kong isinulat tangi kong masasabi'y salamat dahil PI ay muling nabulatlat - gregoriovbituinjr. 04.14.2023

Salin ng mga termino sa matematika't agham

Imahe
SALIN NG MGA TERMINO SA MATEMATIKA'T AGHAM kung salin ng siyensya ay agham ang matematika ay sipnayan habang artitmetik ay bilnuran geometry naman ay sugkisan aba'y sinalin na pala ito sa sariling wikang Filipino aba'y lalo tayong matututo kung gamit ay wika natin dito ang set algebra'y palatangkasan habang ang algebra'y panandaan trigonometry ay tatsihaan statistics ay palautatan danumsigwasan ay sa hydraulics buhagsigwasan sa pneumatics initsigan sa thermodynamics habang liknayan naman sa physics timbulog, salin ng spherical tulad ng laumin sa integral tingirin naman sa differential ah, pagsalin na'y ating itanghal salin ng calculus ay tayahan biology naman ay haynayan salin ng equation ay tumbasan ang dynamics naman ay isigan salin ng monomial ay isakay sa binomial naman ay duhakay salin ng trinomial ay talukay at sa polynomial ay damikay tingni: isa, duha, talu, dami sa mono, bino, trino, at poly kapnayan ang salin sa chemistry haykapnayan sa biochemistry sa

Naiibang Sudoku

Imahe
NAIIBANG SUDOKU Maikling sanaysay ni Gregorio V. Bituin Jr. Naiiba ang klase ng larong Pinoy Sudoku sa Philippine Star, na nasa pahina 4, isyu ng Abril 9, 2023. Naiiba dahil hindi siya karaniwang Sudoku, pagkat ang given ay 18 digits lamang, kumpara sa karaniwang Sudoku na ang given ay 45 digits. Ang ganda pa ng pamagat ng Pinoy Sudoku: Feed Your Mind. Ibig sabihin, pakainin mo ang iyong isipan upang mabusog. Talagang nakakabusog ng utak ang paglalaro ng Sudoku lalo na't pag nabuo mo ito'y dama mo ang ginhawa ng pakiramdam. Ang Sudoku ay may 81 maliliit na parisukat, kung saan siyam na numero ang pahalang, siyam din sa pababa, at may siyam na parikukat na tigatlo ang digit sa pahalang at pababa. At dapat walang magkaparehong numero sa pahalang, pababa, at tatluhan. Kundi mula 1 hanggang 9 ang sagot. Sumatotal ay 45 pag in-add ang lahat ng digit. Ang karaniwang Sudoku, kung papansinin ninyo ang Larawan 1, ay may 45 given digits. Sa bawat tatluhang parisukat, may 5 given digits,

D + DI = MI

Imahe
D + DI = MI dapat maagap ang isip anong ibig sabihin ng tanong na letra rin ang dapat isagot natin buti't naalalang ekwasyon sa matematika Roman numeral na dapat sagutin kapagdaka D plus D. I. ekwals M. I., ang tamang sagot diyan na  "five hundred plus five hundred one equals one thousand one" nakakatuwang nasasagot natin ang ekwasyon sa palaisipan ng Pilipino Star Ngayon ito ang napagtuunan ng diwa nang magising nang dinalaw ng mutya mula sa pagkakahimbing nakakagana ng diwa habang may libreng oras dahil sa mga katanungang agad nawawatas nakatuwaang magsagot kahit madaling araw habang nagkakape't tinapay pa't ramdam ang ginaw - gregoriovbituinjr. 04.10.2023 * litrato mula sa pahayagang  Pilipino Star Ngayon , Abril 9, 2023, p. 10

Kaylaki na ng utang mo

Imahe
KAYLAKI NA NG UTANG MO ah, grabe, may utang ka na nang ikaw ay isilang halos sandaan dalawampung libong piso naman kung bawat tao ay ganyan ang ating babayaran subalit magbabayad niyan ay ang buong bayan makakabayad kaya tayo kung ang bawat tao na may utang ay di kayang magbayad ng ganito? at kung magbabayad naman bawat isa'y kanino? paisa-isa bang magbabayad sa bawat bangko? ito na ba ang kahihinatnan ng Pilipinas? magagaya sa Sri Lanka pag di nakabayad? na kinuha ng Tsina ang parte ng bansang mahal na teritoryo'y inokupa, iyon na ang bayad? bansa'y ipinaglaban ng ating mga ninuno upang sa mananakop, tayo't lumaya't mahango baka dahil sa utang, lahat nang ito'y maglaho anong dapat nating gawin, puso ko'y nagdurugo - gregoriovbituinjr. 04.04.2023 * P13.75T / 115,559,009 (populasyon ng Pilipinas 2022) = P118,986.829 kada tao * litrato mula sa pahayagang Pilipino Star Ngayon, Marso 31, 2023, p.2

CM + DC = MD

Imahe
CM + DC = MD nakasalubong kong muli ang gayong tanong sa krosword na pulos letra ang dapat tugon at Roman Numeral na naman ang ekwasyon nine hundred plus six hundred ang tanong na iyon one thousand five hundred ang sumatotal nire C.M. plus D.C., agad kong sagot ay M.D. di doktor ang tugon sa mutyang binibini di rin iyon naibulong sa tatlong bibe krosword man at di Sudoku o Aritmerik pagsagot nito'y talagang nakasasabik sa mahirap na tanong, diwa'y dinidikdik makatang tulad ko'y di agad makaimik buti't may nauna nang aking nasagutan Roman numeral din ang ekwasyong nagdaan salamat, naeehersisyo ang isipan at naihahanda sa matitinding laban - gregoriovbituinjr. 04.02.2023

DI + D = MI

Imahe
DI + D = MI sa krosword, akala ko'y kung ano nasulat ay  DI , HINDI ba ito? bakit may  + D , di ko matanto ang sagot dito'y dalawang titik tanong yaong tila anong bagsik hanggang sa diwa ko'y may sumiksik napagtanto ko rin naman, aba Roman Numeral ang mga letra five hundred one plus five hundred  pala ah, walang hiwagang nababalot kaya ako'y di na nagbantulot one thousand one, M.I.  na ang sagot tanong na sa diwa'y nagpahulas di agad kita sa biglang malas krosword nga talaga'y pampatalas - gregoriovbituinjr. 04.01.2023

Mali na naman ang tanong

Imahe
MALI NA NAMAN ANG TANONG sa unang tingin pa lang, alam kong wala nang sagot pagkat hindi divisible by three ang seventy-six gamitan mo man ng calculator, mapapakunot walang whole number o integer na sagot, kaybagsik kaya heto, Aritmetik ay ganyan ko iniwan may sagot ito ngunit decimal o kaya'y fraction eh, di iyon ang kahingian ng palaisipan di pwedeng sagot ang twenty-five point three, three, three doon ang Aritmetik ba'y di ineedit ng patnugot o editor ng dyaryo, kunot-noo na lang ako kung ineedit naman, bakit ganyan ang inabot o dahil April Fool's Day, kaya nabiktima tayo gayunman, salamat sa Aritmetik, anong saya sa libreng oras ko'y nakapaglibang nga talaga - gregoriovbituinjr. 04.01.2023