Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Oktubre, 2021

Ayon kay Pythagoras

Imahe
AYON KAY PYTHAGORAS isang paham sa kasaysayan ang sadyang lumabas na sa karunungang pinakita'y talagang pantas matematisyan o sipnayanon si Pythagoras na kung suriin ang kanyang aral ay mawawatas naging sikat dahil sa Pythagorean theorem sa tatsulok, tatlong gilid ay sukating taimtim; marami rin siyang winikang kung ating maatim ay magsisilbing gabay kahit na ito'y malalim si Pythagoras ay Griyegong nagmula sa Samos na nagpayo sa ating huwag magpadalos-dalos; kung galit ka'y huwag basta magsalita't kumilos kung wala sa wastong isip ay manakit ngang lubos pag batas daw ay kailangan na ng mamamayan ay saklaw na nito't di na akma sa kalayaan; sa anupamang bagay, sarili'y dapat igalang walang malaya na sarili'y di kayang rendahan may dyometriya sa pagtipa ng lira't gitara at sa agwat ng mga espero ay may musika; mabuting tahimik kaysa salitang walang kwenta na sa kapwa'y magdulot lang ng ligalig o dusa mas pinag-iisipan natin anong ipapakli sa salitang p