Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Agosto, 2021

Imaginary number sa sudoku

Imahe
IMAGINARY NUMBER SA SUDOKU sa matematika o sipnayan ay may konsepto ng imaginary number, malaking tulong ito sa mga aplikasyon sa pamumuhay sa mundo mahalaga ring gamitin sa abanteng kalkulo tinatawag din ito sa iba namang termino na complex number o masalimuot na numero na di agad maunawa kundi aaralin mo nasok sa isip ko nang naglalaro ng sudoku tulad ng sudoku sa halimbawang naririto sa unang kahong siyaman ay makikita ninyo na dapat ilagay sa blangko'y dos, syete, o kwatro ngunit dos at syete'y di maaari sa ikatlo o ikatlong blangkong kahon na kwatro ang sagot ko kwatro'y tinuring na imaginary number dito at naging mabilis na ang pagsagot ng sudoku sa ikalawa'y dos agad, mabubuo na ito kaya sa sipnayan muling naging interesado dapat magbasa-basa muli't ako'y magrepaso ang complex number, ang number theory't tulad nito sa sariling wika'y ipaliwanag ang konsepto mapagaan ang sipnayan sa unawa ng tao na maaaring pasanaysay maisulat ito o sa patula kong

Euclid at Diophantus

Imahe
EUCLID AT DIOPHANTUS dalawang mathematician, sipnayanon, Griyego kapwa taga-Alexandriang dakilang totoo dahil sa kanilang inambag bilang mga henyo na nabuhay noon pang nakaraang ilang siglo si Euclid ang sa The Elements ang siyang may-akda na sa matematika'y pinag-aaralang sadya naglalaman ito ng labingtatlong kabanata hinggil sa geometriya't aritmetikang pawa si Diophantus ang may-akda ng Arithmetica na hinggil sa number theory iyong mababasa nanguna ring gumamit ng simbolo sa aldyebra sa larangang iyon ay may ambag ding mahalaga dalawang dakilang sipnayanon sa kasaysayan akda'y mga ambag sa pagsulong ng kabihasnan pasasalamat sa kanilang ambag sa sipnayan at sa larangang ito'y kayrami kong natutunan - gregoriovbituinjr. 08.16.2021 * ang mga datos ay mula sa aklat na World Famous Astronomers and Mathematicians, pahina 89 at 93, inilathala ng Loacan Publishing House, 1999

Wagi sa Math Olympiad 2021

Imahe
WAGI SA MATH OLYMPIAD 2021 mula sa Olympics na mga medalya'y nakamit Hidilyn Diaz at Nesthy Petecio ang sumungkit sa International Math Olympiad din ay humirit anim na medalya'y sa Pilipinas isinabit pagpupugay sa mga nagwagi sa math olympiad pagkat kanilang misyon ay di nabigo't natupad anim na estudyanteng sa paligsahan umusad apat na pilak at tatlong tansong medalya'y gawad kinatawan ng bansa, anim na nakipagtagis apat na medalyang pilak, nakamtang anong tamis nina Raphael Dylan Dalida, Bryce Ainsley Sanchez, Immanuel Josiah Balete, at Steven Reyes habang nakapagkamit naman ng tansong medalya sina Vincent Dela Cruz at Sarji Elijah Bona patunay ng galing ng Pinoy sa matematika sana sa larangang iyan ay magpatuloy sila pagpupugay sa magagaling nating sipnayanon sa sipnayan o matematika'y di nagkataon sadyang magagaling ang mga estudyanteng iyon at sana silang nanalo sa bansa'y makatulong - gregoriovbituinjr. 08.04.2021

Lockdown ay panahon din ng pagrerebyu

Imahe
LOCKDOWN AY PANAHON DIN NG PAGREREBYU lockdown ay panahong mabalikan ang dating gawa panahon ng pagrerebyu ng paboritong paksa sipnayan o matematika, di na lamang tula na kurso sa kolehiyo'y rebyuhin muling kusa mga teorya'y itula, gawan din ng sanaysay number theory, game theory, ating pagaaning husay trigonometriya, dyeyometriya'y isalaysay lalo't bahagi na ng pang-araw-araw na buhay bumili man sa tindahan o sumakay man ng dyip pagbibilang ng bayad at sukli na'y mahahagip kahit sastre'y may metro nang damit ay di masikip sa istraktura ng gusali'y inhinyerong isip ikwento ang mga anekdota ng sipnayanon o mathematician, anong ginawa nila noon anong gamit sa pyramid, sukat na sukat iyon light years ng mga buntala'y natukoy na rin ngayon isa pang niyakap na misyon para sa daigdig na sipnayan ay pagaanin lalo't ito'y hilig nang sa hinaharap, estudyante'y may makakabig at mga problema'y malutas nang di mab