Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Setyembre, 2020

Paglalaro ng math games sa selpon

Imahe
madalas, kaysarap maglaro ng math games sa selpon lalo na't napagod sa ginawa buong maghapon pahinga'y maglaro nito kaysa paglilimayon nahasa ang utak, baka humusay pa paglaon larong nagagamit ang kaalaman sa aldyebra o dyometriya, mga sangay ng matematika lalo na't mga numero'y lagi nating kasama baka matuto ka pa ng samutsaring pormula mayroong pabilisan ng adisyon at subtraksyon may patalasan sa multiplikasyon at dibisyon pormulang M.D.A.S. ay masusubok mo doon sa mundo ng sipnayan ay tila ka naglimayon sinong maysabing matematika'y nakakatakot kung sa math games sa selpon ay natutong pumalaot madali mo pang mabura't maiwasto ang sagot ang saya-saya na, laro pa'y di nakakabagot - gregoriovbituinjr.

Suportahan ang ating mga pambato sa Math Olympiad 2020

Imahe
"Kaya n'yo iyan!" Ito ang sigaw naming narito sa ating mga magagaling na matematiko na muli pong lalaban sa Math Olympiad sa mundo nariritong sumusuporta sa ating pambato dapat daw gagawin ito ngayong taon sa Rusya subalit di na iyon tuloy dahil sa pandemya kundi gagawin na ang paligsahan sa online na  sadyang patalasan ng ulo sa matematika labanan ng estudyante sa hayskul ang Olympiad sa matematika't sana sila'y maging mapalad anim na estudyanteng kaybabata pa ng edad kinatawan ng Pilipinas, medalya ang hangad nakaraang taon, anim na medalya'y sinungkit sa United Kingdom ng mga Pinoy na nagsulit at ngayong taon, "Kaya n'yo iyan!" ang aming sambit  sana'y anim na medalyang ginto'y inyong makamit - gregoriovbituinjr * Pinaghalawan: LOOK: Young Pinoys Mathemagicians To Join First-Ever Online Int’l Math Olympiad In 2020 https://www.flipscience.ph/news/pinoy-2020-imo-math-olympiad/ PHL to compete in first online International Math Olympiad ht

Ang dalawang Euclid sa kasaysayan

may dalawang Euclid ang nabasa ko sa historya tagasunod ni Socrates si Euclid ng Megara at ang kilala kong si Euclid ng Alexandria dahil sa kanyang gawa't ambag sa geometriya akda ng taga-Megara'y anim na diyalogo ang Lamprias, ang Aeschines, ang Phoenix, ang Crito,  ang Alcibiades, at pang-anim, ang Amatoryo,  datapwat, ah, wala nang natira sa mga ito may Elements namang inakda ang isa pang Euclid ang number theory't perfect numbers nga'y kanyang hatid ang Euclidean geometry't algorithm ay nabatid pati ang kanyang Fragments ay di sa atin nalingid si Euclid ng Alexandria'y una kong natunghayan ang geometriya niya'y paksang pinag-aralan kaya matematika'y kinuha sa pamantasan at kanyang mga akda'y sadya kong kinagiliwan oo, aaralin ko ang kanilang mga akda upang sunod na henerasyon sila'y maunawa bakasakaling mga akda nila'y maitula at aklat hinggil sa kanila'y balak kong magawa - gregoriovbituinjr.