Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Agosto, 2020

Larong numero palito

Imahe
nag-download ako sa selpon ng laro sa numero ang isang nakita ko'y parang larong Pilipino na ginagamit ay mga palito ng posporo nakaayos na palito'y tanong na iwawasto ikakamada muna yaong palito sa lupa pagmasdan mo't may tanong doon, suriin mong kusa isang palito lang ang iurong upang tumama dito sa selpon ay numero naman ang ginawa tulad naman sa calculator ang numero doon gayon ding panuntunan, isang guhit ang iurong upang maitama mo ang mga maling ekwasyon gamit ang iyong lohika, adisyon at subtraksyon tara, isip-isip, bawat ekwasyon ay titigan suriin mong mabuti't iyo ring masasagutan i-download ang Math Games sa selpon at masisiyahan pampatalas na ng isip, maganda pang libangan - gregbituinjr.

Pagbabalik-aral sa sipnayan

panahon ng pagbabalik-aral ang kwarantina ito ang aking napagtanto habang binabasa ang talambuhay ni Euclid mula Alexandria at ni Archimedes na bumulalas ng "Eureka!" dalawang matematisyang parehong mga bantog na nag-ambag sa sipnayan, sa mundo'y inihandog ang mga akda nila'y balak kong isa-Tagalog upang mga iyon sa bayan ko'y pumaimbulog geometriya'y paksang pamana nila sa atin na pinaunlad pa nila upang magamit natin kanilang akda'y di naman mahirap unawain baka mas mapadali pa pag aking naisalin isasalaysay kong patula ang kanilang gawa na nais kong iambag sa panitikang pambansa sunod ay si Pythagoras na isa ring dakila na akda't buhay niya'y tutulain ko ring kusa - gregbituinjr.

Naabot din ang 1,000 sudoku

Imahe
Naabot ko rin ang 1,000 sudoku games na na-download ko mula sa internet. Bukod sa math games ay sudoku ang aking palipasang oras pag di nagsusulat. Dahil nakasanlibong nasagutang sudoku, napatula ako: NAABOT DIN ANG SANLIBONG SUDOKU isang libong sudoku na rin ang aking naabot na kinagiliwang laro sa selpon at nasagot di lang pulos numero kundi lohika ang dulot kaysarap nitong laruin at di ka mababagot may arawan, bawat petsa, ang aking nasagutan daily sudoku na umabot higit walong daan maaaring pumili ng lebel na pahirapan custom sudoku, na umabot higit isang daan noon, binibili ko'y mga libretong sudoku may manipis, may makapal na akala mo'y libro maraming perang ginugol, makabili lang nito dahil sa lockdown, sa internet na'y nag-download ako bukod sa pagsulat, pagtanim, at gawaing bahay bukod sa pagbabasa ng anuman, pagninilay ang pagsagot ng sudoku ang nilalarong husay kaya ang sanlibong sudoku'y ganap nang tagumpay - gregbituinjr. 08.23.2020

Aba'y may matematika rin kahit sa pagsinta

aba'y may matematika rin kahit sa pagsinta na kapansin-pansin pag ikaw na'y nagkapamilya pupunta sa nililigawan, mamamasahe ka magastos man ngunit mag-iwan ng barya sa bulsa huwag kang manligaw kung walang pambili ng rosas iba na ngayon, inaasam ang mabuting bukas at pag sinagot ka'y pag-isipan na ring madalas huwag pakasal kung wala kang pambili ng bigas isipin magkano ang lingguhang gatas ni beybi maglalakad ka na lang ba kung walang pamasahe o, pagsintang labis ang kapangyarihang maghele hinehele si beybi sa umaga hanggang gabi ang matematika'y kaakibat ng ating buhay pagkat bawat kibot, pera'y bibilangin mong husay sahod mo'y pagkakasyahin, magtitipid kang tunay numero'y kasa-kasama na kahit humingalay kaya bata pa lang, matematika na'y aralin huwag itong katakutan bagkus ito'y alamin tulad ng chess, matematika'y kaysarap namnamin pagkat ito nama'y bahagi na ng buhay natin - gregbituinjr.