Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Hulyo, 2020

Mula 1 metro'y naging 1.5 metrong physical distancing

Imahe
Mula 1 metro'y naging 1.5 metrong physical distancing nakapagpalitrato na sa isang karatula na physical distancing ay isang metrong distansya ngayon naman, aba'y isa't kalahating metro na isipin mo kaya bakit ito'y nadagdagan pa magmula isang metro'y naging isa't kalahati marahil ito'y isa ring pagbabakasakali mas matindi ang ikalawa, dama'y di mawari kalahating dagdag ba'y dahil meron pang nasawi? tunay ngang kayraming namatay sa coronavirus kung susuriin ang mga nailabas nang datos anong paliwanag? ang isang metro kaya'y kapos? dinagdag bang kalahati'y upang malubos-lubos? isang metro, isa't kalahati, o dalawa man ang mahalaga'y ating isinasaalang-alang ang agwat upang sa sakit ay di magkahawaan kaya ingat lagi, siguruhin ang kalusugan - gregbituinjr.

Isang metrong agwat na physical distancing

Imahe
Isang metrong agwat na physical distancing nadaanan din lang namin ang karatulang iyon ay nagpakuha na ng litrato sa tabi niyon bilang patunay ng isang metrong layo ang layon ng physical distancing na pinatakaran ngayon tunay ngang nais nating proteksyunan bawat isa kaya kahit isang metro lang, layu-layo muna bawal bumahin, bawal walang facemask sa tuwina saanman, kalsada, palengke, botika, groserya 'No facemask, no entry' at 'one meter' dapat ang agwat ng bawat isa, may physical distancing daw dapat bagamat paalala upang di mahawang sukat isang paalala iyong hangad kong maurirat bakit isang metro, di dalawa, tatlo o lima ito ba'y pagbabakasakali, di ko nabasa tiyak kong may batayan ang isang metrong distansya marahil pag ating inaral sa matematika marahil isang metro'y sapat upang di mahawa ng nakakadiring virus na naglipanang sadya di man nabasa ang batayan kung saan nagmula mahalaga, isang metro'y tupdin at maunawa - gregbituin

Anong batayan ng isang metro sa social distancing?

Imahe
Anong batayan ng isang metro sa social distancing? bakit sa social distancing, ang layo'y isang metro? ito'y narinig ko lang sa balita't mga tao bakit di dalawa, tatlo, apat, lima, o pito? anong matematikang batayan ng metrong ito? upang virus ay masugpo o di mahawa nito? pag bumahin ka ba'y di na aabot sa kaharap? lalo't tinakpan agad ang ilong sa isang iglap mahirap bumahin nang may facemask, baka malasap mo'y sakit, lalo't sariling virus na ang nalanghap kaya isang metrong agwat ba'y isa nang paglingap? sa dyip ngayon, may plastik na harang sa katabi mo saan man magpunta, dapat ba't laging isang metro? magtungo ka man sa grocery, mall, botika, bangko? maglakad sa bangketa, lumayo sa kasunod mo? nasa palengke man o kumain sa turo-turo? yaon bang nagka-COVID at namatay ba'y lumabag? sa batayang isang metro, o sinabi ko'y hungkag? libu-libo'y namatay, agwat ba'y may paliwanag? hinahanap

Inspirasyon ang sinabi ni Sofia Kovalevskaya

Imahe
"It is impossible to be a mathematician without being a poet in soul."  - Sofia Kovalevskaya (Feb 15, 1950 - Feb 10, 1991), Russian mathematician sinabi nga noon ni Sof1a Kovalevskaya na babaeng Rusong sa matematika'y kilala: "Imposible ang maging paham sa matematika kung di ka makata ng buong puso't kaluluwa." ang kanyang sinabing ito'y nagsilbing inspirasyon sa akin, makatang kumuha ng B.S. Math noon at kaysarap tuloy balikan ang mga ekwasyon, theorem, at iba pa sa pagdaan ng panahon ilang dekada na ring mga tula'y kinakatha inuunawa ang anuman, iba't ibang paksa sinabi ni Kovalevskaya'y tumining sa diwa kaya naritong matematika'y itinutula tula't sanaysay sa matematika'y tututukan titipunin ang mga akda sa munting aklatan na balang araw ay maisaaklat kong tuluyan at sa bagong henerasyon ay ibahagi naman - gregbituinjr.

Dagsip

Imahe
may katawagan palang katutubong Filipino sa matematika'y magagamit nating totoo halina't itaguyod ang katawagang ganito sa tula, dagli, ulat, sanaysay, maikling kwento titik 0 ang dagsip sa wala, 1 para sa isa 2 sa dalawa, 3 sa tatlo, 5 naman sa lima 4 sa apat, 6 sa anim, pito'y 7, ano pa 8 sa walo, 9 sa siyam, bata pa'y tinuro na korteng kurus ang dagsip sa pagdagdag o adisyon gitling naman ang dagsip sa pagbawas o subtraksyon ekis naman ang dagsip para sa multiplikasyon tutuldok-gitling o guhit-pahilig sa dibisyon dagsip, oo, dagsip ang tawag sa mga simbolo o markang ginamit para sa bilang o numero salitang Hiligaynon, may magagamit na tayo sa aritmetika't mga paksang kaugnay nito o, dagsip, na sa aming diwa't puso'y halukipkip naroon ka sa ekwasyong tuwina'y nahahagip kung labis o kulang ay tinitimbang, sinisilip ikaw ang sagisag ng sipnayang dapat malirip - gregbituinjr. *  dagsip  - salitang Hil