Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Hunyo, 2020

Pagbabalik-aral sa matematika

naghahanap ako ng review center ng geometry basic math, calculus, number theory, trigonometry balik-aral na may sertipiko'y nais mangyari bakasakaling makapag-tutor sa estudyante habang tinutula ang ilang nalalaman sa math habang muling binabasa ang samutsaring aklat habang nagsasagot ng mga ekwasyong nabuklat habang sa lockdown nabuburyong pagkat nagsasalat di sapat ang araw-gabing maglaro ng sudoku dapat may aplikasyon bawat natutunan dito subalit dapat magbalik-aral pa ri't magrebyu at makamit din ang inaasam kong sertipiko muling nagrerebyu sa pagbabasa sa internet lalo't nagpultaym agad noon kaya undergraduate kung may review center ay mag-eenrol akong pilit pagkat iba pa rin kung may sertipikong makamit - gregbituinjr. 06.22.2020

Ang pure math versus applied math

nakakatuwa man ang pure math tulad ng paglaro ng sudoku, ang applied math ang maraming pangako minsan, may ekwasyong lulutasing di ka susuko di pwedeng pulos pag-ibig lang, dapat may pagsuyo saan mo gagamitin ang kaalaman sa pure math kundi ekwasyon ay malutas lang nang walang puknat kumpara sa applied math, may pakinabang kang sukat dahil makakatulong sa kapwa't bayan mong salat ang pure math ay tulad ng sudoku, puzzle, abstraksyon na masaya kang lutasin ang anumang ekwasyon pure math ay pulos ideya, wala mang aplikasyon gayunman, baka balang araw ay magamit iyon ngunit magandang pareho natin silang mabatid kombinasyong pure at applied math sa diwa'y ihatid abstrakto o baliwag man ang ideyang sinilid sa utak, may pakinabang din sa mundo't paligid - gregbituinjr. 06.21.2020

Ang tabletang tinawag na YBC 7289

Imahe
Ang tabletang tinawag na YBC 7289 natagpuan noon ang isang putik na tableta na likha noong unang panahon sa Babilonya pinaniniwalaang tabletang ito'y gawa pa ng estudyanteng mula sa timog Mesopotamia ang parisukat nito'y may dalawang diyagonal at tatak na dalawang numerong seksagesimal una umano'y may aproksimasyong numerikal habang sinusuri ko, ako'y napapatigagal malalagay raw sa palad ng isang estudyante ang tabletang itong ganoon lamang daw kalaki ito nga'y "greatest known computational accuracy" noong unang panahon, ganito nila sinabi may kinalaman pa raw ito sa square root of two na makikita rin daw sa tabletang may ugnay dito inaral daw nina Neugebauer at Sachs ito pati ni Ptolemy na Griyegong matematiko ito ngayon ay nasa "Yale Babylonian Collection" na diumano'y donasyon ni J. P. Morgan doon ito'y "pair of numbers with geometric interpretation" na ayon kina David Fowl

Mas nais ko pang balikan itong matematika

Imahe
mas nais ko pang balikan itong matematika kaysa manood pa sa balitang nakakasuka pulos karahasan, pulos patayan, walang kwenta ilipat na lang iyang tsanel, wala na bang iba? pulos trapo, manyanita, kawalang katarungan nasaan ang pangarap na hustisyang panlipunan? sa mga ulat, laging tagilid ang mamamayan pati karapatang magsalita'y nais pigilan kaya pag oras na ng balita't sila'y nanood aalis na ako't ayokong doon nakatanghod mas nais ko pang itong mukha'y sa aklat isubsob sa matematika, pagbalik-aral ay marubdob ang aldyebra't trigonometriya'y parang sudoku geometriya ni Euclid ay dapat intindido baka makapagturo pag nagagap muli ito o baka makasulat ng teoryang panibago paano unawain ang Riemann hypothesis? na sinasabi nilang "one of maths's greatest mysteries" paano tatagalugin ang simbolo sa Ingles? ang jensen polynomial ba'y iba't walang kaparis? sa tula'y paano mga ito ilalarawan sinimulan noon ang

Aldyebra sa panahon ng kwarantina

Imahe
Aldyebra sa panahon ng kwarantina habang nagninilay sa panahon ng kwarantina aking binalikan ang natutunan sa aldyebra isa lang sa kayraming paksa sa matematika bakit nga ba kinakailangan ito ng masa? bakit ba pinag-aaralan ang mga ekwasyon? ang simpleng aritmetika ba'y di pa sapat ngayon? elementarya pa lang ay natuto ng adisyon pati na subtraksyon, multiplikasyon at dibisyon noong sekundarya nang aldyebra na'y natutunan batayang pormula o padron ay pinag-aralan pag numerong may panaklong, multiplikasyon iyan pag may pahilis na guhit, ito'y dibisyon naman kaysa aritmetika, aldyebra'y mas komplikado subalit pag inaral, madali lang pala ito matututong suriin ang samutsaring numero paglutas sa problema, lohika, may padron ito halimbawa, bibili ka sa tindahan ng kape para sa limang katao, ang bawat isa'y syete pesos, ang ambag nilang pera'y limampu at kinse pesos, ano ang ekwasyon, paano mo nasabi? ang ekwasy