Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Agosto, 2019

Tagumpay ng matematisyang Pinoy sa Tsina

Imahe
Tagumpay ng matematisyang Pinoy sa Tsina ni Gregorio V. Bituin Jr. Nagwagi ng labing-isang medalya ang mga estudyanteng Pilipino sa naganap na tatlong kumpetisyon sa bansang Tsina. Nakapagkamit sila ng isang gintong medalya, apat na pilak at anim na tanso. Ang mga kumpetisyong ito'y ang ika-19 na China Western Mathematics Invitational (CWMI), ang ika-18ng China Girls Mathematical Olympiad (CGMO), at ang ika-16 na China Southeast Mathematical Olympiad (CSMO). Ayon sa Mathematics Trainers Guild-Philippines (MTG), sinundan ng tatlong paligsahan ang format ng Math Olympiad kung saan malulutas ng mga kalahok ang apat na magkakaibang problema sa loob ng apat na oras sa loob ng dalawang magkasunod na araw. Ayon kay Dr. Isidro Aguilar., pangulo ng MTG, "Ang mga patimpalak na ito sa matematika sa Tsina ay napakahirap at binabati namin ang atingmga mag-aaral na Pilipino sa kanilang tagumpay." Narito ang talaan ng mga mag-aaral na nanalo ng medalya sa mga kumpetisyon sa matematika d