Mga matematisyang Pinoy, tagumpay sa Math Olympiad
Mga matematisyang Pinoy, tagumpay sa Math Olympiad ni Gregorio V. Bituin Jr. Nagwagi ng mga indibidwal na medalya ang anim na mag-aaral mula sa Pilipinas sa ika-60 International Mathematical Olympiad (IMO) na ginanap sa bansang United Kingdom mula Hulyo 11-22, 2019. Ang IMO ang pandaigdigang kumpetisyon sa matematika para sa mga estudyante sa sekundarya o hayskul. Ang IMO rin ang pinakamatagal at pinaka-prestihiyoso sa mga pandaigdigang paligsahang pang-agham. Ang kumpetisyon ay ginanap sa University of Bath. Ang bawat bansa ay maaaring magpadala ng maksimum na anim na kontestant. Dito, tinangka ng mga kalahok na lutasin ng bawat indibidwal ang anim na mapanghamon at mga orihinal na problema. Ang medalya'y igagawad sa mga estudyante batay sa kanilang indibidwal na iskor mula sa kanilang mga isinulat na solusyon. Patas ang China at Estados Unidos sa nangungunang iskor ng bawat koponan, sinundan ito ng South Korea, at ang North Korea naman ay nasa ikaapat na puwesto. Ang Pilipinas na