Mga Post

Ang matematika ay sipnayan

Imahe
ANG MATEMATIKA AY SIPNAYAN matematika pala'y  sipnayan habang aritmetika'y  bilnuran trigonometry ay  tatsihaan habang geometry ay  sukgisan statistics ay  palautatan iyang algebra ay  panandaan set algebra ay  palatangkasan habang ang calculus ay  tayahan fraction naman ay  bahagimbilang ang salin ng physics ay  liknayan ang chemistry naman ay  kapnayan habang biology ay  haynayan nang mga ito'y aking malaman ay agad kong napagpasiyahan pagsasalin ay paghuhusayan upang magamit sa panulaan - gregoriovbituinjr. 01.03.2025 * ilan sa mga salitang ito'y mula sa  https://www.scribd.com/doc/194410375/Mga-Salita-Sa-Agham-at-Sipnayan-sa-Filipino-Words-in-Mathematics-and-Science-in-Filipino  

17 medalya sa Math, nakamit ng Pilipinas

Imahe
17 MEDALYA SA MATH, NAKAMIT NG PILIPINAS mga estudyanteng Pilipino'y nagtagumpay doon sa India International Mathematics Competition na yaong nagpaligsahan ay nasa tatlumpung nasyon na mga lumahok ay animnaraang sipnayanon tatlong silver, pitong bronze at pitong merit medal pala ang natamo mula sa talino't pagsisikap nila kahit walang dalawang ginto tulad ni Yulo sila mga estudyanteng math genius ay petmalu talaga may medalyang pilak ay tatlong Tsinoy ang apelyido tatlong Kastilaloy, dalawang Tsinoy sa tanso mismo sa merit, dalawang Kastilaloy, limang Tsinoy dito aba, sa kanila'y walang katutubong Pilipino mahihina ba ang mga katutubong Pinoy sa math o di lamang sila nabibigyan ng oportunidad panahon naman ngayong sa kanila tayo'y mamulat at sa math, katutubong Pinoy ay dapat mapaunlad sa mga nagkamit ng medalya, O, mabuhay kayo! bagamat di man taal na katutubong Pilipino mataas na pagpupugay itong paabot sa inyo! salamat, bansang Pilipinas ay kinatawan ninyo! - gregori...

20,322 - 11,103 = 9,219

Imahe
20,322 - 11,103 = 9,219 dalawampung libo, tatlong daan, dalawampu't dalawa sa unang labimpitong buwan lang, bilang ng napaslang na adik, ayon kay Chel Diokno, sa Kongreso'y sinabi niya panahon ni Digong ay madugong panahon ng hustisya halos apat na libo sa operasyon ng kapulisan higit labing-anim na libo'y riding-in-tandem dawnaman di pa kasama ang natirang apatnapu't tatlong buwan ng rehimen, baka pag sinama'y lumaki pa ang bilang ah, sinong mananagot sa mga pagkamatay na ito? lahat ba sila'y nanlaban kaya pinaslang ng berdugo? ikumpara mo: labing-isang libo, sandaan at tatlo halos kalahati ang bilang ng biktima ng martial law tingnan ang katwiran nila, na dapat lang nating malirip dahil adik, wala sa katinuan, baka ka mahagip gumagawa ng masama, dahil di matino ang isip dapat unahan upang sa krimen nila tayo'y masagip maganda ang intensyon, subalit mali ang pamamaraan kayraming inang nawalan ng anak, hingi'y katarungan hustisya kaya'y makakamit ng ...

Ang sipnayanon

Imahe
ANG SIPNAYANON It is impossible to be a mathematician without being a poet in soul. ~ Sophia Kovalevskaya imposible raw maging sipnayanon pag di ka isang makata sa diwa kaylalim ng pananalitang iyon pag sipnayanon ka'y nagmamakata iyang sipnayan o matematika ay para ring tulang may tugma't sukat batid mo ano ang geometriya at trigonometriya ng pagsulat kung maging sipnayanon ang nais mo pagkamakata mo'y di maglalaho lalo't batid ang padron ng numero sipnayan sa diwa, tula sa puso mabuhay ka, sipnayanon, mabuhay! makata kang wala sa toreng garing sa sipnayan ikaw magpakahusay at sa pananaludtod ay titining - gregoriovbituinjr. 05.28.2024 * sipnayanon - mathematician;  sipnayan - mathematics

Sudoku - larong palatambilang

Imahe
SUDOKU - LARONG PALATAMBILANG ang palatambilang ay larong diwa na sa ating utak ay naghahasa tulad ng sudokung nakatutuwa sapagkat ito'y nagbibigay sigla sa bawat larong diwa tulad nito ay pinag-iisip talaga tayo ilalagay mo ang wastong numero sa isang linyang walang kapareho ang bilang isa hanggang bilang siyam pahalang, pababa, o pahilis man at tatlo-tatlong bloke ng tambilang ay ilagay sa tamang kalalagyan pag in-add ang munero bawat linya sumatotal ay apatnapu't lima pag may parehong numero sa linya ayusin mo pagkat iya'y mali na sa ganitong larong diwa, salamat at isipan ay di pinupulikat sapagkat naeehersisyong sukat lalo't nabuo't nasagutang lahat - gregoriovbituinjr. 05.26.2024

Palatambilang

Imahe
PALATAMBILANG palaisipan sa numero o palatambilang  ang sa pahayagan ay lagi kong inaabangan na bukod sa krosword, palatambilang ang libangan tulad ng sudoku't aeitmerik na kainaman umaga'y bibili agad ng diyaryo sa kanto bago pa basahin ang tampok na ulat at isyu kasabay ng pandesal sasagutin muna ito: hanap-salita, krosword, aritmetik at sudoku sa kabila ng social media, uso pa rin dine  ang pamamayagpag ng diyaryo kong nabibili tulad ng Pang-Masa, Bandera, Abante, Remate na tinatawag minsang "literature in a hurry" salamat sa palatambilang na may laang sigla na tila arawang ehersisyo sa ating diwa - gregoriovbituinjr. 05.12.2024

Palaisipang numero

Imahe
PALAISIPANG NUMERO D.L . sa Roman numeral agad kong tugon sa pinag-plus na kapwa C.C.L.X.X.V. pagkat two-hundred seventy five times two iyon na sinagot ko naman ng five hundred fifty kaysayang may adisyon sa palaisipan na sadya namang ikaw ay mapapaisip buti't Roman numeral ay napag-aralan upang makatugon sa di agad malirip ah, sana'y marami pang krosword na ganito na di lang tulad ng paboritong sudoku may adisyon, subtraksyon, o ekwasyon ito dahil talagang hamon sa kakayahan mo sa ganyang krosword, ako'y nagpapasalamat pagkat ang diwa'y ginigising, ginugulat - gregoriovbituinjr. 01.29.2024 * palaisipan mula sa pahayagang Pilipino Star Ngayon, Enero 29, 2024, pahina 11